^

Metro

Lider ng drug-robbery group tiklo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Lider ng drug-robbery group tiklo
Kinilala ang nadakip na si Alexander Morales, alyas AJ, 28, lider ng AJ Morales Drug Group at nakatira sa No. 1157 Sandico St., Tondo.
STAR/File

MANILA, Philippines ? Bumagsak sa kulungan ang itinuturong lider ng isang robbery-drug group nang kumagat sa pain sa ikinasang buy-bust operation ng Manila Police District, kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang nadakip na si Alexander Morales, alyas AJ, 28, lider ng AJ Morales Drug Group at nakatira sa No. 1157 Sandico St., Tondo.

Sa ulat ng Moriones Tondo Police Station 2, alas-7:30 ng umaga nang ikasa ng kanilang anti-drug group ang buy-bust operation sa may kanto ng Sandico at Asuncion Street sa Brgy. 35 Tondo.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer at nagawang makipagtransaksyon kay Morales saka nakabili ng iligal na droga. Hindi na nakapalag si Morales nang sunggaban siya ng mga pulis matapos na tanggapin ang marked money sa buyer.

Nakumpiska kay Morales ang ilang plastic sachet ng shabu na may timbang na 45.5 gramo na nagkakahalaga ng P309,400 at ang buy bust money.

Nakakulong na ngayon ang suspek na nahaharap sa kasoong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

ROBBERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with