^

Metro

Sunog sa Pasig: 2 patay, 3 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Sunog sa Pasig: 2 patay, 3 sugatan
Kinilala ng Pasig City Bureau of Fire Protection (BFP) ang dalawang nasawi na sina Rodolfo Eguillos, 40, at kanyang anak na lalaki na 10-anyos na si Paul Jacon , kapwa residente ng Villa Tupaz, Brgy. San Joaquin, Pasig City.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Dalawa katao ang nasawi, habang 3 pa ang nasugatan sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Pasig City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng Pasig City Bureau of Fire Protection (BFP) ang dalawang nasawi na sina Rodolfo Eguillos, 40, at kanyang anak na lalaki na 10-anyos na si Paul Jacon , kapwa residente ng Villa Tupaz, Brgy. San Joaquin, Pasig City.

Nagtamo naman ng third degree burn sa mukha at mga sugat sa binti ang isang Marie Antonette, nasugatan sa likod ang isang John Rofer Eguillos, at nagtamo ng first degree burn sa kaliwang paa si Fercilina Eguillos.

Ayon kay Fire Supt. Douglas Guiyad, Fire Marshal ng Pasig BFP, ang sunog ay sumiklab ng dakong alas-1:10 ng mada­ling araw sa residential area sa Brgy. San Joaquin, Pasig City.

Sinabi ni Guiyad, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang  Merlinda Dalyday na isang 2-storey building na mabilis na natupok ng apoy.

Hindi naman kumalat pa sa ibang mga bahay ang apoy dahil na rin sa mabilis na pagresponde ng mga kagawad ng bumbero at idineklarang fire out ang sunog ng ala-1:50 ng madaling araw.

Hindi pa batid ang sanhi na ngayon ay masusi pang iniimbestigahan.

vuukle comment

BFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with