^

Metro

Mga bantay nasalisihan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

3 preso pumuga sa Ermita Police Station

MANILA, Philippines  — Nagawang masalisihan ng tatlong preso ang mga pulis na nagbabantay sa Ermita Police Station sa Maynila nang makatakas ang mga ito nitong Linggo ng madaling araw makaraang magawang makalas ang padlock ng kanilang selda.

Isa sa mga nakatakas na si Joel Meneses, 25,ay may kasong illegal possession of firearms and ammunitions at curfew ang muling naaresto ng mga pulis sa kanyang bahay sa Baseco Compound, Port Area.

Patuloy pang pinaghahanap sina Genrex Dela Cruz, 20, may kasong robbery hold-up, physical injuries, malicious mischief at possession of deadly weapon at si Ruelo Ramil, 20, ay may kasong robbery hold-up.

Sa naantalang ulat ng Manila Police District (MPD), dakong alas-2:50 ng Linggo ng madaling araw nang madiskubre ang pagtakas ng mga suspek sa Ermita Police Station sa may Katigbak Drive, Rizal Park, Ermita. Nagawang makalas ng mga suspek ang padlock ng kanilang selda at masalisihan ang mga pulis.

Agad na nagkasa ng manhunt operation ang pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto ni Meneses na bumalik sa kanyang tahanan habang hindi na mahagilap ang mga notoryus na holdaper na sina Dela Cruz at Ramil.

Iniimbestigahan naman ng MPD ang naganap na pagtakas para mabatid ang kapabayaan ng mga naka-duty na pulis ng naturang oras.

vuukle comment

POLICE STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with