Online legal assistance program, inilunsad ni Joy Belmonte sa Quezon City
QUEZON CITY, Philippines — Upang mabigyan ng ayudang legal ang mga taga-Quzeon City, naglunsad si Mayor Joy Belmonte ng online legal assistance program para asistihan ang mga nangangailangan ng legal resources, documents at maka-access sa city ordinances sa panahon ng COVID-19 pandemic.
“Even during this pandemic, many of our residents need legal aid -- from drafting legal and business forms and contracts, to understanding legal documents,” pahayag ni Mayor Belmonte.
Ang QC Online Legal Assistance ay magkasamang itinataguyod ng lokal na pamahalaan at ng online legal resource MyLegalWhiz, para sa isang virtual lawyer na handang magbigay ng impormasyong legal at ayudang legal sa anumang oras.
Ang programa ay naglalaan ng free 500 credits sa mga residente ng lahat ng barangay na mag-sa sign up sa website. Ang credits ay maaaring magamit sa mga interesado sa free legal assistance sa pamamagitan ng website ay maaaring maka-access sa www.credits.mylegalwhiz.com.
- Latest