^

Metro

COVID mobile testing unit, lumarga sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
COVID mobile testing unit, lumarga sa Quezon City
Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte (gitna) ang pagpapasinaya sa kauna-unahang mobile community testing unit sa bansa na aarangkada na sa lungsod.

Kauna-unahan sa pinas

MANILA, Philippines — Aarangada na simula sa araw na ito sa ibat-ibang lugar sa Quezon City ang kauna-unahang  mobile testing unit sa Pilipinas.

Ito ay makaraang pangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagpapasinaya sa unang mobile testing unit sa lungsod sa isang simpleng seremonya na ginawa sa  QC hall grounds.

Sinabi ni Mayor Belmonte na prayoridad na uunahing serbisyuhan ng mobile testing unit ang malalayong lugar na mahirap makapunta sa itinalagang testing center at sa mga residenteng  naninirahan sa lockdown areas .

Anya, inaasahan niya na magkaroon ng mobile testing unit sa lahat ng distrito sa lungsod upang higit na mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga taga QC.

Anya katulong ng lokal na pamahalaan ang  Phil. Chamber of Commerce sa pagkakaroon ng mobile testing unit.

Anya libreng pinagkakaloob ng lokal na pamahalaan ang serbisyo ng mobile testing unit na pangangasiwaan ng mga tauhan ng QC health office.

Sinabi rin ni Belmonte na bukod sa serbisyong ipagkakaloob ng mobile testing unit ay patuloy pa rin ang pagsasagawa ng mass testing sa bawat distrito sa QC.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with