^

Metro

Manager tinarakan ng bodyguard

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Manager tinarakan ng bodyguard
Naglabas ng patalim ang suspek at inundayan ang biktima sa dibdib na mabilis namang nasangga kaya sa kaliwang kamay na lamang tumama ang saksak.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Kalaboso ang isang Chinese national na bodyguard nang saksakin ang Human Resources manager na kanyang kababayan, sa Barangay Alabang, Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa reklamong attempted homicide ang suspek na su Liangqi Zou, 28-anyos, tubong Liaoning, China at residente ng  Lot 5 Block 2 Crisostomo Ibarra Street, Rizal Village, Barangay Alabang, Muntinlupa City.

Ginagamot sa Asian Hospital ang biktimang si Yihao Bu, 26, tubong Yunnan, China HR ma­nager ng Intercomp Company at kasama sa nabanggit na address ng suspek.
Sa ulat ng Muntinlupa City Police Station, dakong alas 9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima at suspek.

Habang nasa loob ng kanyang kuwarto ang biktima nang puntahan upang kausapin ng suspek su­balit hindi umano pinansin ang huli kaya nagalit ito at nauwi sa pagtatalo.

Naglabas ng patalim ang suspek at inundayan ang biktima sa dibdib na mabilis namang nasangga kaya sa kaliwang kamay na lamang tumama ang saksak.

Napigilan naman ng iba pang kasamahan ang pangyayari  hanggang sa isugod sa ospital ang biktima.
Kasama pa ang suspek sa nagdala sa pagamutan sa biktima ngunit itinawag sa pulisya ng testigong si Ma. Fe De Ocampo, 40, Chinese translator, residente rin ng nasabing bahay, ang pangyayari dahilan sa mabilis na pag-aresto sa suspek.

Narekober din ang jungle knife na ginamit ng suspek.

vuukle comment

HR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with