^

Metro

‘Halfway house’ sa cancer patients, itatayo sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makakabawas sa gastos at hirap ng mga pasyenteng dumaranas ng sakit na kanser ang itatayong ‘halfway house’  na malapit lang sa Philippine General Hospital (PGH) sa lungsod ng Maynila para may matuluyan ang mga nagpapagamot na galing pa sa malalayong lalawigan.

Nabatid na nilagdaan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang partnership deal sa PGH para sa itatayong halfway o transient house sa Taft Avenue, Ermita, Maynila, na katabi lang ng bagong renovate na City Library.

Sa halip na uupa pa ang mga pasyente na nagpapagamot sa PGH, may libreng tutuluyan na malapit lang din sa ospital at ‘di na mahihirapan sa pagbiyahe.

Anang alkalde, may puwang sa puso niya ang mga maysakit na kanser at alam niya kung gaano kahirap ang makipaglaban sa sakit na ito dahil ang ama niya ay dito namatay at iba pang malapit sa kanya na ganito rin ang naging sakit.

Ang pagtanggap niya ng modelling project ay isang paraan para maitulong ang talent fee sa mga batang pasyente ng kanser sa PGH.

“Isang building ito, habang nagpapagamot ang mga taga-Mindanao, taga-Visayas, Northern Luzon at Southern Luzon at iba pang malalayong probinsiya. We partnered with PGH, atin ang lote at building tapos gastos ng PGH ang renovation.  Haybols na nila to-its,” aniya.

Maaring manatili ang mga pasyente sa halfway house hanggang sa matapos ang treatment cycle at maari pang makagamit ng katabing library habang naghihintay at naiinip.

Naging katuwang din ng Manila City government ang PGH sa confirmatory testing ng COVID-19 cases sa lungsod.

vuukle comment

ISKO MORENO

PGH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with