^

Metro

LGBT leader, 20 miyembro nagrali sa Mendiola, inaresto

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
LGBT leader, 20 miyembro nagrali sa Mendiola, inaresto
Nakipag-pambuno sa mga pulis ang mga miyembro ng LGBT community na nagsagawa ng kilos-protesta sa Mendiola sa kabila ng pagbabawal sa “mass gathe­ring” sa ilalim ng community quarantine.
KJ Rosales

Pulis winisikan pa ng asido

MANILA, Philippines — Nasa 20 miyembro ng isang LGBT community kabilang ang kanilang lider ang ­inaresto kahapon ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) nang magsagawa ng kilos-protesta sa Mendiola sa kabila nang pagbabawal sa ‘mass gathering’ dahil sa pinaiiral na community quarantine.

Nasa kustodiya ng MPD-General Assignment Section ang mga miyembro ng grupong Pride March Protesters sa pangunguna ni Rey Valmires Salinas.

Nabatid na alas-11:40 ng umaga nang magkagirian ang mga tauhan ng MPD at mga demonstrador sa may Mendiola. Ipinoprotesta ng grupo ng LGBT ang  Anti-Terrorism Bill.

Sinabi ni MPD-GAS chief, P/Capt. Arnold Echalar na nag-umpisa ang komosyon nang isa sa mga demonstrador ang umano’y nagwisik ng likido sa isa sa mga pulis. Isa na umano itong uri ng ‘assault’ kaya mi­nabuting i-disperse ang rally at ­arestuhin ang mga sangkot.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Bayanihan Heal as One Act ang grupo kaugnay sa probisyong may kinalaman sa pagbabawal sa mass gathering.

Maaari rin silang masampahan ng kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code o ang Disobedience to a Person in Authority.

vuukle comment

LGBT

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with