^

Metro

117 pang stranded na indibiduwal, naihatid ng PNR sa Bicol

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
117 pang stranded na indibiduwal, naihatid ng PNR sa Bicol
Ayon sa Philippine National Railways, dakong alas-2:45 ng madaling araw nang umalis ang tren na sinasakyan ng mga naturang mga locally stranded individuals mula sa Tutuban Station sa Maynila patungong Bicol.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Napauwi na rin kahapon ang may 117 pang stranded na indibiduwal sa kani-kanilang mga lalawigan sa Bicol Region sa ilalim ng Hatid Tulong Initiative ng pamahalaan.

Ayon sa Philippine National Railways (PNR), dakong alas-2:45 ng madaling araw nang umalis ang tren na sinasakyan ng mga naturang mga locally stranded individuals (LSIs) mula sa Tutuban Station sa Maynila patungong Bicol.

Ang mga naturang indibiduwal ay matatandaang naistranded sa Metro Manila nang magdeklara ng enhanced community quarantine (ECQ) ang pamahalaan dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Bago naman pinasakay ng tren pauwi ay isinailalim muna sa rapid test ang mga ito at tini-yak na walang sintomas ng virus.

Anang PNR, limang istasyon ang hihintuan ng tren sa Bicol area kung saan lamang maaaring bumaba ang mga LSI at kabilang dito ang Ligao, Albay Station; Ragay, Camarines Sur Station; Libmanan, Camarines Sur Station; Naga City Station; at Iriga Station.

Mula sa mga nasabing istasyon ay susunduin naman sila ng mga kinatawan ng kanilang mga local government units (LGUs) upang ihatid sa isang quarantine facility upang doon mamalagi ng 14 pang araw para matiyak na hindi sila infected ng virus, bago pa tuluyang pauwiin sa kani-kanilang tahanan.

Nabatid na ito na ang ikalawang batch ng mga stranded na pasahero na nakauwi ng Bicol sakay ng PNR.

Ang unang batch ng may 115 na LSIs na napauwi sa Bicol ay matatandaang bumiyahe noong Hunyo 20 ng madaling araw.

Inaasahan namang ma-susundan pa ang mga ito ng iba pang biyahe sa buwan naman ng Hulyo.

vuukle comment

PNR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with