^

Metro

P42 milyong ilegal na droga, pampasabog at mga armas, kumpiskado: 8 arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot sa P42 milyong halaga ng hinihinalang shabu at iba’t -ibang uri ng mga armas at pampasabog ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa naarestong walong drug suspect sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga lokal na pulis sa Quezon City at Malabon, kamakalawa.

Nabatid na ang unang buy-bust operation ay isinagawa ng PDEA, katuwang ang Quezon City Police District (QCPD), sa tabi ng isang gasolinahan sa Mindanao Avenue, Brgy. Bagong Pag-Asa, Quezon City dakong ala- 1:45 ng madaling araw, na nagresulta sa pagkakadakip kina Datu Boy Nasser, alyas Taba, 28; Norhana Nasser, alyas Puti, 20; kapwa ng Bacoor, Cavite, at Said Ampakay, 23, ng Taguig City.

 Nang makabili ng P1,000 halaga ng shabu ang isang poseur buyer ay kaagad nang dinakip ang mga suspek na nakumpiskahan ng dalawang transparent plastic packs na may lamang P6.8 milyong halaga ng shabu at isang Mitsubishi Montero.

 Sa isang follow-up operation naman dakong alas-8:00 ng umaga, naaresto ang mga suspek na sina Dennis Roque, 54, at Carlito Biglang Awa, 58, kapwa mula sa Novaliches; Kenneth Maclan, 44, ng Malambon City, at Harold Villasana, 39, ng Cainta, Rizal, sa isang buy-bust operation sa 64 Rockville Ave., Rockville Subd., Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

 Nauna rito, nakatanggap ang mga awtoridad ng tip mula sa isang regular confidential informant hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek kaya’t isang alagad ng batas ang umaktong poseur buyer at nang makabili ng P7,000 halaga ng shabu ay kaagad nang inaresto ang mga ito.

 Samantala, sa ikatlong operasyon, nadakip ang babaeng Chinese national na si Tuan Xi Yuan, sa Dampalit, Malabon City na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mga ilegal na droga na nagkakahalaga ng P27.2 milyon, isang mobile phone, at buy-bust money. Doris Franche

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with