^

Metro

52 Navoteño nabigyan ng scholarship

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Laking tuwa ng nasa 52  mag-aaral at gurong Navoteño nang makatanggap ng Navotas Scholarship Program mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas para sa school year 2020-2021.

Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, kasama sa batch ng academic scholars ngayong taon ang 30 incoming high school freshmen, 15 incoming freshmen ng Navotas Polytechnic College (NPC), dalawang incoming freshmen sa kolehiyo o unibersidad na kanyang pipiliin, at limang mga guro na nais magkaroon ng mas mataas na edukasyon.

Aniya, sinusuportahan nila ang mga Navoteño na nagsisikap sa pag-aaral para maabot ang potensyal at makatulong sa kanilang pamilya at komunidad sa susunod na mga panahon.

Nagbibigay ang pamahalaang lungsod sa high school scholars ng P18,000 para sa kanilang mga aklat, pamasahe at pagkain.

 P22,000 ang nakukuha ng mga NPC scholars para sa kanilang tuition, mga aklat, pamasahe at pagkain. P262,000 naman ang ibinibigay sa mga scholars sa ibang kolehiyo o unibersidad.

 Samantala, nakatanggap ng P75,000 ang mga teacher scholars bilang panustos sa kanilang tuition, mga aklat, pamasahe at pagkain, pati na research.

Maliban sa academic scholarship, may scholarship din ang pamahalaang lungsod para sa mga estudyanteng magaling sa sports at sa sining, at para sa mga anak o kaanak ng Top Ten Outstanding Fisherfolk.

vuukle comment

SCHOLARSHIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with