^

Metro

Botika ng mga Chinese ni-raid: 1 huli kahon-kahong gamot nasamsam

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinalakay ng mga tauhan ng Parañaque City Police ang isang ilegal na botika na nagbebenta ng mga Chinese medicines at nagsisilbi lamang sa mga Tsino kamakalawa ng hapon.

Isang suspek ang nadakip ng pulisya na na­kilalang si Cai Yongchun, 51-anyos, at nakatira sa Unit 114 Morgana Bldg., Multinational Avenue, Multinational Village, Moonwalk, ng naturang lungsod.

Nabatid na unang nakatanggap ng mga reklamo buhat sa mga residente ng Multinational Village ang pulisya ukol sa na-monitor nilang pagdagsa ng mga Chinese na bumibili ng gamot sa establisimiyento na inuupahan ni Cai sa may ikatlong palapag ng Morgana Bldg.

Dito nagsagawa ng operasyon ang pulisya dakong ala-1 ng hapon matapos na makipagkoordinasyon kay City Administrator Fernando Soriano at iba ang department heads ng lungsod

Sa pagsuyod nila sa mga puwesto sa naturang gusali, natuklasan ang ilegal na pagbebenta ng gamot na may mga Chinese labels ni Cai. Nang hanapan siya ng mga papeles, walang maipakitang mga permit buhat sa lokal na pamahalaan at Food and Drugs Authority (FDA) ang suspek.

Kinumpiska ng mga awtoridad ang nasa 64 kahon at 40 plastic bags ng iba’t ibang mga Chinese medicines at medical supplies buhat sa ilegal na botika.

Nakaditine ngayon sa istasyon ng pulisya si Cai na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10918 o Philippine Pharmacy Act.

vuukle comment

CHINESE

MEDICINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with