^

Metro

115 na-stranded, inihatid ng PNR pauwi sa kanilang probinsiya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
115 na-stranded, inihatid ng PNR pauwi sa kanilang probinsiya
Nabatid na ito ang unang batch ng LSIs na tinulungan ng PNR at ng Office of the President, sa ilalim ng Hatid Probinsya Program ng pamahalaan, upang makauwi na sa kani-kanilang pamilya matapos ang ilang buwang pagka-lockdown sa Metro Manila dahil sa COVID-19 crisis.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — May 115 na locally stranded individuals (LSIs) ang ibiniyahe ng tren ng Philippine National Railways (PNR) kahapon ng madaling araw patungo sa kani-kanilang lalawigan.

Nabatid na ito ang unang batch ng LSIs na tinulungan ng PNR at ng Office of the President, sa ilalim ng Hatid Probinsya Program ng pamahalaan, upang makauwi na sa kani-kanilang pamilya matapos ang ilang buwang pagka-lockdown sa Metro Manila dahil sa COVID-19 crisis.

Bago naman tuluyang pinasakay ng tren dakong alas-2:30 ng madaling araw nitong Sabado, ay isinailalim muna ang mga LSIs sa rapid testing upang matiyak na wala silang COVID-19.

Ang mga nagnegatibo sa naturang pagsusuri ay inisyuhan din ng medical clearance ng Bureau of Quarantine (BOQ) at sila lamang ang pinayagang makasakay ng tren.

Sinagot ng PNR at ng Office of the President ang pagkain ng mga LSIs habang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) naman ay nagbigay sa kanila ng P2,000 cash assistance.

Inaasahan namang may panibagong batch pa ng 150 LSIs ang ihahatid muli ng PNR sa kani-kanilang lalawigan sa Hunyo 25.

Mayroon umanong tatlong drop-off points ang PNR para sa mga tren na may sakay na LSIs at dalawa sa mga ito ay matatagpuan sa Camarines Sur habang isa naman sa Ligao Station sa Albay.

Ang Ligao Station umano ang huling drop-off point dahil sila na o hindi gumagana ang mga riles ng PNR paglampas dito.

Ang mga LSIs na patungo naman sa Catanduanes o Masbate ay susunduin na ng kani-kanilang LGUs mula sa Ligao Station.

Inaasahan namang ang mga LSI ay sasailalim pa rin sa 14-day quarantine pagdating nila sa kani-kanilang lalawigan.

Matatandaang maraming mamamayan ang naistranded sa Metro Manila matapos na isailalim ng pamahalaan ang buong Luzon sa enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso 17 sa pagsusumikap na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang pamunuan ng PNR sa mga local government units (LGUs) at barangays sa Metro Manila upang matukoy kung mayroon pang mga LSIs na kinakailangang maihatid sa mga probinsiya.

vuukle comment

PNR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with