^

Metro

P1.2 bilyong nalikom ng Pasig LGU para sa gadgets ng mga mag-aaral

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakalikom na ng P1.2 bilyon ang Pasig City government para ma-kabili ng mga gadgets na gagamitin ng mga mag-aaral para sa ikinakasang distance learning ng pamahalaan ngayong School Year 2020-2021, sa gitna ng kinakaharap na coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis ng bansa.

Sinabi  ni Pasig Mayor Vico Sotto na kabilang sa mga bibilhin nila ay mga tablets, laptops, at mga learning devices para sa elementary hanggang senior high school students at maging sa mga guro, na nasa public schools.

Kabilang aniya sa mabibigyan ng gadgets sa halagang P30 milyon, ay ang may 2,500 estud-yante mula sa city-run na Pamantasang Lungsod ng Pasig (PLP).

Aminado naman si  Sotto na wala pa ring papalit sa face-to-face classes ngunit dahil imposible pa aniya ito ngayon dahil sa banta ng COVID-19, ay kailangang paghandaan ng lokal na pamahalaan ang distance learning.

“Syempre walang papalit sa face-to-face classes pero alam po natin na sa ngayon, med­yo delikado pa at ayaw nating maging breeding ground ng virus ang ating mga paaralan, so magi-ging distance learning po talaga,” aniya pa.

Kaugnay nito, hinikayat din naman ni Sotto ang mga mag-aaral ng PLP na mag-enroll at si­nabing hindi dapat sa­ya­ngin ng mga ito ang pagkakataon na makapag-aral, nang wala naman silang aalalahaning anu­mang bayarin.

“Ito ‘yung pakiusap ko sa inyo, mag-enroll po kayo, libre naman po... mag-enroll po kayo, ‘wag kayong tumigil sa pag-aaral, ‘yan lang po ‘yung hinihingi ko sa inyo,” pa-nawagan pa ng alkalde.

Samantala, ayon kay Sotto, maging ang mga residente na walang internet sa bahay ay titiyakin rin nilang magkakaroon ng access sa internet.

Maaari aniyang magtungo ang mga ito sa ibang lugar kung saan merong local network para i-download ang mga kakailanganin nilang files.

 

vuukle comment

PASIG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with