^

Metro

Curfew period sa Parañaque, pinaikli

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binawasan ang oras ng curfew hours sa lungsod ng Parañaque upang mabigyan ng mas mahabang pagkakataon ang operasyon ng dine-in restaurants at iba pang  food establishments.

Ayon kay Mayor Edwin Olivarez, ang dati na mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling araw, ay binago na ito at magsisimula  na ng alas-10:00 ng  gabi at hanggang alas- 4:00 ng madaling araw.

Ikinunsidera din niya, dito na mabigyan pa ng sapat na panahon ang mga residente na makapamili ng essential commodities at makauwi ng bahay ang mga nagtatrabaho na alam namang nahihirapan dahil sa limitadong operasyon ng public transport.

Inatasan din ni Olivarez  si Atty.Melanie Malaya na magsagawa ng regular na inspeksiyon sa lahat ng dine-in restaurants at iba pang katulad nito kung nakakatugon sa itinakdang guidelines ng Department of Trade and Industry (DTI).

Hanggang alas-10:00 ng gabi maaaring mag-opereyt ang mga restaurants na dapat ay nasa 30 porsyentong capacity lamang habang umiiral din ang iba pang minimum health protocols at ang health checklist ng kustomer na magagamit sakaling kailanganin sa contact tracing.

 

vuukle comment

CURFEW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with