COVID-19 Calamity loan assistance program, bukas na sa SSS members
MANILA, Philippines — Maaari na ngayong makautang ang mga miyembro ng Social Security System (SSS) na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Ito ay makaraang buksan ng SSS ang Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa may 1.74 million potential member-borrowers ng programa.
Ayon kay SSS President at CEO Aurora C. Ignacio, ang pautang ay ibabase sa average ng kanilang monthly salary credit sa nakalipas na 12 buwan at ang mga miyembro ay makakautang ng hanggang P20,000.
“We recognize that the impact of COVID-19 is greater than other calamities we have faced in the past. With that in mind, we have extended the payment term of this particular CLAP to 27 months, inclusive of a three-month moratorium period, and have lessened the interest rate to six percent per annum,” pahayag ni Ignacio
Karaniwan ang CLAPs ay binabayaran sa loob ng 24 buwan na may interest rate na 10 percent kada taon.
Ang Loan amortizations para sa COVID-19 calamity loans ay sisimulan sa ika apat na buwan makaraan ang kanilang approval dates.
Walang advance interest ang kakaltasin sa utang. May service fee na one percent ang utang na babawasin sa loan proceeds.
Ang loan payments ay hindi ireremit sa kanilang due date dahil sa one percent penalty per month.
Ang miyembro ay kailangan magregister sa My.SSS web portal sa SSS website at www.sss.gov.ph para makautang sa CLAP at hindi na kailangang magpakita ng dokumento na ang kanilang lugar ay naisailalim sa calamity area dahil ang buong bansa ay apektado ng COVID - 19.
- Latest