^

Metro

P9 milyong ecstasy nasabat sa warehouse sa Pasay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P9 milyong ecstasy nasabat sa warehouse sa Pasay
Ang siyam na milyong halaga ng ecstasy na nasabat sa isang warehouse sa Pasay City.
Kuha ni Rudy Santos

MANILA, Philippines — Aabot sa P9 na milyong halaga ng ilegal na party drug na ecstasy tablets na itinago sa ‘paper shredder’ ang nasabat ng Bureau of Customs sa ginawang pagsalakay sa isang  bodega sa Pasay City.

Sa ulat ng BOC, nasa 5, 205 tabletas ng ecstasy ang kanilang nasamsam sa isang warehouse sa naturang lungsod.  Itinago ang mga tabletas sa isang ‘paper shredder’ na nagmula sa United Kingdom at naka-consign sa isang suspek na taga-Pasig City.

Nagsasagawa ng document check ang kanilang mga tauhan at physical examination sa kargamento sa warehouse sa Pasay City nang mapansin ang hindi magkakatugmang impormasyon dahilan para madiskubre ang droga.

Sa pagtaya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), aabot sa P9 milyon ang halaga ng mga nasabat na tabletas. Ipinasa na ito ng BOC sa PDEA para sa kaukulang pagsusuri at imbestigasyon.
Nakatakdang habulin ngayon ng PDEA ang consignee ng kargamento na mahaharap sa kasong paglabag sa Section 1401 (Unlawful Importation) sa ilalim ng Customs Mo­dernization and Tarrifs Act at RA 9165 0 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

vuukle comment

ECSTASY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with