P15 milyong COVID-19 testing at lab center, pinatayo ng Maynilad sa DLSMC
MANILA, Philippines — Nagpatayo ang West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ng P15-million COVID-19 testing at laboratory center sa Delos Santos Medical Center (DLSMC) para makatulong na mapalakas ang testing capacity at maibsan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.
Ang center ay matatagpuan sa DLSMC complex sa Quezon City, isang bagong facility na magsasagawa at magpoproseso ng Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) tests para sa mga suspected COVID-19 patients.
Ang RT-PCR ay isang standard testing procedure na nairekomenda ng World Health Organization para sa pagdetect ng COVID-19.
Sinabi ni Maynilad Pre-sident at CEO Ramoncito S. Fernandez na masaya silang napili nila ang DLSMC bilang beneficiary ng kanilang donasyon.
“From our own expe-rience, DLSMC has been very efficient and flexible in servicing the needs of Maynilad. This laboratory will be a testament to our partnership and is also our small contribution to our country and to the MPIC group in its quest for doubling the testing capacity in the country,” sabi pa ni Fernandez.
Inaasahang operational na ang testing center sa August 2020.
Ang Maynilad-DLSMC RT-PCR Testing Center ay may kapasidad na sumuri at magproseso ng swab samples ng may 200 pas-yente kada araw.
Patuloy din ang pagsasagawa ng Maynilad ng iba’t ibang relief activities para sa mga frontliners at urban poor communities sa panahon ng pandemic kabilang na ang pamamahagi ng hygiene kits, sanitation tents at inuming tubig gayundin ang pagkakaloob ng libreng water supply sa ilang mga quarantine facilities sa Metro Manila.
- Latest