^

Metro

TRO, giit ng 29 bus firms sa planong pagkansela ng LTFRB sa bus franchise

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
TRO, giit ng 29 bus firms sa planong pagkansela ng LTFRB sa bus franchise
Sa naisampang Complaint for Injunction with Verified Ex-Parte application para sa 72-hour TRO, Verified Applications para sa 20-day TRO at Writ of Preliminary Injunction , binigyang diin ng 29 bus firms, 18 dito ay nag-ooperate sa Metro Manila, ang hakbang na ito ng LTFRB ang magbibigay daan para patayin ang local bus industry.
Russell Palma, file

MANILA, Philippines — Nagsampa kahapon ng temporary restraining order (TRO) ang 29 kompanya ng bus sa Quezon City  Regional Trial Court upang pigilan ang Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) na maipatupad ang planong pagkansela sa kasalukuyang bus  franchise  na gamit sa kanilang ope­rasyon nationwide partikular sa Metro Manila.

Sa  naisampang  Complaint for Injunction  with Verified Ex-Parte application para sa  72-hour TRO, Verified Applications para sa 20-day TRO at  Writ of Preliminary Injunction , binigyang diin ng 29 bus  firms,  18 dito ay nag-ooperate sa  Metro Manila, ang hakbang na ito ng LTFRB ang magbibigay daan para patayin ang local bus industry.

Ayon kay Atty Joseph de Jesus, abogado ng mga complainant, hindi napapanahon ang pagkilos ng LTFRB para kanselahin ang bus franchise dahil wala namang public notice , pagdinig at  wala ring public consultation ang ginawa ng LTFRB hinggil dito.

Maglalagay din ang hakbang sa pagkakasenla sa umiiral na valid franchises ng naturang mga bus companies na naipagkaloob ng ahensiya noong Hunyo.

Binigyang diin ni De Jesus na maglalagay din ang planong ito ng LTFRB ng sobrang pahirap sa mga commuters na umaasa sa public transport tulad ng mga passenger bus para magtungo sa kani- kanilang destinasyon lalo na kung papasok sa kanilang trabaho ngayong panahon ng GCQ .

Bukod pa rito ang dagdag na 2 milyong manggagawa na mawawalan ng trabaho dahil sa inaasahang pagpatay sa bus industry.

vuukle comment

TRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with