^

Metro

6 tsuper na nagprotesta at ikinulong umapela kay Duterte

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nananatiling nakapiit  pa rin sa  Caloocan City  Police Station ang anim na jeepney driver na inaresto matapos magkilos-protesta  para sa “Bumusina Para Sa Balik Pasada” sa Monumento, Caloocan City noong Martes ng umaga.

Umaapela na ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga dinakip na sina Severino Ramos, 59; Wilson Ramilia, 43; Ramon Paloma, 48; Ruben Baylon, 59; Arsenio Ymas Jr, 56; at Elmer Cordero, 72, na pawang mga miyembro ng transport group na PISTON.

Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, isinailalim na sa inquest ang mga tsuper para sa kasong paglabag umano sa physical distancing protocols.

Inaresto ang mga jeepney driver matapos ang isinagawang protesta na nanawagang payagan nang bumalik sa kalsada ang mga jeepney. Tumanggi rin umano ang mga itong mag-disperse. Ayon naman kay PISTON Secretary General George San Mateo, sumunod naman sa physical distancing ang mga tsuper at gawa-gawa lamang ang kaso.

Nanawagan ang PISTON na palayain ang mga inarestong driver dahil sa kagutuman lang umano ang nagtulak sa mga ito para magprotesta.

Layon ng “Bumusina Para Sa Balik Pasada” na payagan nang makapasada ang mga jeepney upang makabalik na ang mga driver sa kani-kanilang paghahanapbuhay dahil bahagi rin umano ang mga ito ng pagpatakbo ng ekonomiya ng bansa.

Ayon sa mga jeepney driver, gutom ang nag-udyok sa mga ito na magkilos protesta dahil sa kawalan ng kita. Hiniling din ng grupo ang mass testing para sa mga tsuper.

vuukle comment

JEEPNEY DRIVER

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with