^

Metro

4.1 milyong food packs naipamahagi ng Quezon City government

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit apat na mil­yong food packs na ang naipamahagi ng Quezon City government para sa kanilang mga residente sa kasagsagan ng community quarantine.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, nasa kabuuang 4,124,989 food packs ang naibigay nila bilang tulong sa mga residente na apektado ng quarantines na ipinatupad ng pamahalaan para pigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Dahil sa naturang bilang, lumilitaw na ang QC ang nagpamahagi ng pinakamaraming food packs sa buong Metro Manila.

Bukod naman sa mga naturang food packs, namigay rin ang QC LGU ng financial assistance na tig-P2,000 para sa 53,397 qualified na residente.

Samantala, inianunsiyo rin ni Mayor Belmonte na ang mga kuwalipikadong residente na hindi kabilang sa DSWD SAP ay nakatanggap din ng tig-P4,000 mula sa lokal na pamahalaan.

Nabatid na humi­ngi ang QC, na may pinakamaraming populasyon sa Metro Manila ng SAP cash aid para sa 600,000 beneficiaries ngunit 377,584 na QC beneficiaries lamang ang nabigyan nito.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with