^

Metro

Donasyon ‘wag ibigay sa lansangan, idaan na lang sa LGUs - Mayor Isko

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Donasyon �wag ibigay sa lansangan, idaan na lang sa LGUs - Mayor Isko
Sa kanyang Facebook Live, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na importante ito para hindi rin maabuso ang kagandahang-loob ng mga nagbibigay ng donasyon.
Danilo Garcia

MANILA, Philippines — Dahil sa mga ulat ng puwersahang panghihingi ng limos sa kalsada ng ilan, nakiusap kahapon si Manila Mayor Isko Moreno sa mga may mabubuting loob na idaan na lamang sa lokal na pamahalaan ang kanilang donasyon sa mga mahihirap.

Sa kanyang Facebook Live, sinabi ni Domagoso na importante ito para hindi rin maabuso ang kagandahang-loob ng mga nagbibigay ng donasyon.

Ito ay makaraan ang mga ulat ng ‘harassment’ sa mga motorista ng mga nanlilimos at ibang sektor na apektado ng tigil-trabaho na humihingi ng tulong. 

“Yung iba, ‘di natin masisi siguro dahil sa hirap ng buhay. They are taking their chances me nangangatok na nga ng mga kotse. Baka tayo na rin minsan ang nagkukulang. Baka pinamimihasa na natin,” paliwanag ni Domagoso.

Patuloy din ang pasasalamat ng alkalde sa mga indibiduwal, organisasyon, negos­yante, at iba pang mga grupo na nagpapadala ng mga donasyon para sa mga tao.

Patuloy pa rin naman ang pag-imbita ng Manila Social Welfare Department sa mga palaboy para madala sa mga silungan na pinamamahalaan nila ngunit hindi umano mapuwersa ang iba na ayaw sumama sa kanila.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with