Anti-illegal drugs ops, tuluy-tuloy – PNP
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na tuluy- tuloy ang pagpapaigting ng kanilang anti-illegal drugs operations bagama’t kasabay ang ipinatutupad na COVID-19 response operations.
Sinabi ni PNP Chief General Archie Gamboa na gagawin ng PNP ang lahat upang makapaghatid ng mabilis na serbisyo sa publiko ang national health emergency, kasama ang law enforcement operations laban sa ilegal na droga at krimen.
Aminado si Gamboa na panibagong hamon sa PNP ang ‘new normal’ sa law enforcement operations.
Ngunit sa pamamagitan ng capacity-building initiatives, makaka-adapt aniya sa sitwasyon bunsod ng banta sa COVID-19. Inihayag ito ng hepe ng PNP matapos ang magkahiwalay na anti-illegal drugs operations sa Bohol kung saan nasabat ang anim na kilong hinihinalang shabu.
- Latest