2 pang lugar sa Quezon City, isinailalim sa special concern lockdown
MANILA, Philippines — Isinailalim na rin ng Quezon City government sa special concern lockdown (SCL) ang dalawa pang lugar sa lungsod dahil sa patuloy na banta ng Covid-19.
Sa kanyang sulat sa Department of the Interior and Local Government-National Capital Region (DILG-NCR) Regional Director Maria Lourdes L. Agustin, tinukoy ni Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo ang mga lugar na ang Certeza Compound sa Brgy. Culiat at Alley 2 Homart Road sa Brgy. Baesa.
Ang Certeza Compound na mayroon lamang na isang kumpirmadong COVID-19 case, sinabi ni Kimpo na ang lugar ay malaki ang populasyon kaya’t naisama itong maisailalim sa special concern lockdown batay na rin sa rekomendasyon ng QC Health Department (QCHD) at kahilingan ng opisyal ng Barangay Culiat.
“Its 44 families cramped in a 70-square meter compound, makes Certeza in great risk of community transmission,” pahayag ni Kimpo.
Sinabi ni Kimpo na ang QC Health Department ay magsasagawa ng rapid testing sa 200 katao at random rapid testing sa may 450 households sa lugar upang matiyak na ligtas sa Covid-19 ang lugar.
Tulad ng Certeza Compound, ang Alley 2 Homart Road ay nairekoemnda din ng QCHD na isailalim sa special concern lockdown dahil sa mataas na populasyon ng lugar.
- Latest