^

Metro

Lider ng drug group, patay sa engkuwentro

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nauwi sa engkuwentro ang pagsisilbi ng warrant of arrest ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa lalawigan ng Pangasinan laban sa isang lider ng isang drug group na nagresulta sa kaniyang pagkasawi, kahapon ng umaga.

Nakilala ang napaslang na si Dante Alvear, itinuturong lider ng ‘Balong Drug Group’ at top 3 most wanted sa Maynila.

Sa ulat ng MPD-District Intelligence Division, dakong alas-8:15 ng umaga nang mangyari ang engkuwentro sa pagitan ng kanilang mga tauhan at ni Alvear sa may Longos Street sa Brgy. Bonouan Boquig, Dagupan City, Pangasinan.

Nabatid na unang nakatanggap ng impormasyon buhat sa kanilang mga asset ang Intelligence Division ukol sa kinaroroonan ni Alvear sa Pangasinan. Sa rekord ng pulisya, sangkot ang suspek sa operasyon ng iligal na droga sa Maynila at responsable sa pagpatay sa isang barangay kagawad at dalawang pulis ng MPD.

Dito agad nagtungo sa Pangasinan ang mga tauhan ng DID-District Police Ingtelligence and Operations Unit, Intelligence Group, MPD-Special Mayors Reaction Team, at Pangasinan CIDG sa pinagtataguang bahay ng suspek.

Ngunit nakatunog umano kaagad ang suspek sa pagdating ng mga pulis at agad na pinaputukan ang mga paparating na alagad ng batas.  Gumanti ng putok si P/Cpl Bismark Somera dahilan para tamaan ng bala ang suspek sa iba’t ibang bahagi ng katawan dahilan ng kaniyang pagkasawi.

vuukle comment

DANTE ALVEAR

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with