Cash incentives ipamamahagi sa public school graduates sa Navotas
MANILA, Philippines — Inihayag ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na tuloy ang pamamahagi ng city government ng incentives sa 6,037 graduates sa mga pampublikong paaralan.
Ayon kay Tiangco, nagsimula na kahapon ang pamimigay ng P500 sa mga graduate ng elementary, P1,000 sa high school at P1,500 sa kolehiyo. Hanggang sa Mayo 30 ipamamahagi ang incentives.
Paliwanag ni Tiangco, batch-batch ang pamimigay ng incentives para masigurong masusunod ang social distancing. Naabisuhan na rin ang mga school principal para sa iskedyul .
“Karamihan sa mga benepisyaryo natin ay mga menor de edad at bawal lumabas ng bahay. Maaaring ang mga magulang o guardian nila ang kukuha ng incentive,” ani Tiangco.
- Latest