^

Metro

Social distancing at liquor ban higit pang hihigpitan sa Navotas

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Social distancing at liquor ban higit pang hihigpitan sa Navotas
Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiang­co, nakasaad sa City Ordinance No. 2020-23 na nag-amyenda sa ordinansa tungkol sa pagsusuot ng face mask sa lahat ng mga tao sa mga pampublikong lugar sa Navotas at kailangan sumunod sa 1-2 metrong social distancing.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines  — Bilang bahagi ng panlaban sa coronavirus disease 2019, nagpasa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng ordinansa para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng patakaran sa social distancing at mapalawig ang liquor ban sa lungsod.

Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiang­co, nakasaad sa City Ordinance No. 2020-23 na nag-amyenda sa ordinansa tungkol sa pagsusuot ng face mask sa lahat ng mga tao sa mga pampublikong lugar sa Navotas at kailangan sumunod sa 1-2 metrong social distancing.

Kasama ito sa patakaran na lahat ng mga residente na lalabas ng bahay ay dapat nakasuot ng face mask o kaparehong gamit pamproteksyon.

Ang kumpulan ng mga tao na lagpas sa itinakdang bilang ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay ituturing na paglabag sa ordinansang ito.

Ang mga susuway ay magmumulta ng P250 at walong oras na community service para sa unang paglabag, P500 at 16 oras na community service para sa ikalawang paglabag, at P750 at 24 oras na community service para sa ikatlong paglabag.

Nilinaw ni Tiangco na hindi intensyon ng mga patakaran na pahirapan ang buhay. Aniya,  ito ay para maproteksyonan ang lahat.

Samantala, iniutos din ng pamahalaang lungsod ang pagpapalawig ng liquor ban. akasaad sa City Ordinance No. 2020-24 na bawal bumili o magbenta ng mga inuming may alkohol habang umiiral ang community quarantine.

Ang mga lalabag ay papatawan ng P1,000 multa o 1-araw na pagkakulong sa unang paglabag; P3,000 multa o 5-araw na pagkakulong sa pangalawang paglabag; at P5,000 multa o 10-araw na pagkakulong sa pangatlong paglabag.

vuukle comment

TOBY TIANG­CO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with