^

Metro

Rekomendasyon sa pagtatapos ng MECQ pagpupulungan ng MMC

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Rekomendasyon sa pagtatapos ng MECQ pagpupulungan ng MMC
Sinabi ni MMC Chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez na naiipit ngayon ang mga alkalde sa kalakhang Maynila sa isyu ng economic side at health issue simula pa noong naging pulong nila noong Mayo 9, o limang araw matapos ang ipinatupad na MECQ sa buong National Capital Region (NCR), Laguna at Cebu City.
Geremy Pinolo

MANILA, Philippines  — Nakatakdang magpulong sa Miyerkules ang Metro Manila Council (MMC) na binubuo ng 17 alkalde para sa gagawing rekomendasyon kung palalawigin ang modified enhanced community quarantine (MECQ) o ibaba sa general community qua­rantine (GCQ) ang Metro Manila.

Sinabi ni MMC Chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez na naiipit ngayon ang mga alkalde sa kalakhang Maynila sa isyu ng economic side at health issue simula pa noong naging pulong nila noong Mayo 9, o limang araw matapos ang ipinatupad na MECQ sa buong National Capital Region (NCR), Laguna at Cebu City.

Sa sarili niyang pananaw, sinabi ni Olivarez na mas gusto niya na mailagay na sa GCQ ang Metro Manila simula sa Hunyo 1 dahil sa epekto sa ekonomiya ng COVID-19 pandemic.

“Preferably, we will have again an urgent meeting in Metro Manila Development Authority office on Wednesday, five days before the lifting to MECQ in the metropolis, “ ani Olivarez.

Sinabi ni Olivarez na, sa ilalim ng GCQ, maaaring magbukas ang mga shopping malls at shopping centers.  Pero mananatiling sarado ang mga leisure establishment. Isang miyembro lang ng pamilya ang maaaring makapasok sa mall at dapat magpakita ng kanyang qua­rantine pass at identification card sa guwardiya bago pumasok sa mall. Kailangan din sa pagpasok ang pagsusuot ng face mask at temperature check.

Iminungkahi rin niya na payagang magbukas sa ilalim ng GCQ ang mga salon, barber shop at ibang personal care services na nasa ilalim ng category III industries. 

vuukle comment

ECQ

GCQ

MMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with