^

Metro

Food security task force itinatag sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Food security task force itinatag sa Quezon City
Nailunsad ng QC ang libreng binhi program na nagkakaloob sa mga residente ng lunsod ng urban farming starter kits. Sa ngayon ay may 6,612 starter kits ang naipamahagi ng lokal na pamahalaan sa mga residente ng QC.
Andy G. Zapata Jr, file

QUEZON CITY, Philippines  — Itinatag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang QC-Food Security Task Force na magtitiyak ng seguridad sa pagkain sa lunsod.

Tinitiyak nito sa mga residente na may sapat na pagkain ang bawat pamilyang tagalunsod  sa panahon na lumalaban ang bansa sa Covid-19 pandemic.

Ayon kay Belmonte, ang task force ang magpapalakas sa kapabilidad ng lokal na pamahalaan na makapag-produce ng kanilang sariling pagkain sa panahon ng krisis.

Una nang nakipagkasundo ang pamahalaang lokal ng Quezon City sa Department of Agriculture (DA) para magkasamang mapagtagumpayan ang urban agriculture initiatives na eengganyo sa mga taga-QC na pumasok sa home gardening, community nurseries, at urban aquaculture para mapalakas ang household food security.

Nailunsad ng QC ang libreng binhi program na nagkakaloob sa mga residente ng lunsod ng  urban farming starter kits. Sa ngayon ay may 6,612 starter kits ang naipamahagi ng lokal na pamahalaan sa mga residente ng QC.

Ang task force ay may mandato na bumuo ng  city’s food security plan para sa mga lugar na akma sa pagkakaroon ng urban farming, pagkakaroon ng ugnayan sa agricultural pro­vinces at sa pagpapasigla ng agriculture zones at food zones para sa pagkakaroon ng  direct trade at value-added processing  ng mga pagkain.

Bukod sa pagtataguyod ng urban agriculture, agricultural inputs creation, at pagkakaroon ng animal production, ang task force  ay makikipagtulungan din sa  legislative committees, sectoral representatives  mula sa agri-business, farmer’s organizations, at civil society organizations para masiguro ang  long-term food security.

Ang  QC-FSTF ay layong makamit ang Zero Hunger initiatives, isa sa  Sustainable Development Goals of the United Nations (UN) para wakasan ang kagutuman sa bansa.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with