^

Metro

2 NBI asset na drug trafficker todas sa barilan

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

P81-M shabu nakumpiska

MANILA, Philippines  — Dalawang drug trafficker na nakuhanan ng mga identification card na nagpapakitang mga asset umano sila ng National Bureau of Investigation ang napatay sa buy-bust operation ng pulisya sa Taguig City kamakalawa ng gabi. Umaabot sa P81 milyon ang halaga ng mga shabu na nakumpiska sa mga suspek.

Sa sketchy report ng National Capital Region Police Office (NCRPO), dead on the spot ang mga suspek na sina Ryan F Labandaria at Ervyn Querubin, kapwa nasa hustong gulang, matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Alas-7:00 ng gabi ng Biyernes (Mayo 22) sa kahabaan ng C6 Road, Barangay Lower Bicutan, Taguig nang maganap ang engkuwentro sa gitna ng operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Special Ope­rations Unit ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group sa pangunguna ni P/Lt. Colonel Glenn Gonzales, Regional Special Operations Group, Regional Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Division sa pamumuno ni P/Col Remus Medina at District and Intelligence Division at Taguig City Police Station sa pangunguna naman ni P/Col Celso Rodriguez.
Naunang nakipagkita ang poseur-buyer sa mga suspek dala ang P1-milyong buy-bust money subalit nang mahalata ng mga suspek na pulis ang nakatransaksiyon nila ay mabilis na sumakay sa isang pick-up at iniwan ang kanilang kotse at nagtangkang tumakas.
Nauwi sa engkuwentro ang operasyon nang paputukan ng mga suspek ang humahabol na mga pulis at nang matapos ang putukan ay nakitang duguan at walang buhay ang dalawa  habang wala namang tinamaan umano sa mga ope­ratiba.

Sinabi naman ni Ta­guig City Police chief P/Col. Rodriguez sa isang panayam na “Hindi pa namin nako-confirm kung totoo silang asset ng NBI, ‘yun ang nakalagay sa mga ID na nakuha sa kanila.”

Nakarekober ng nasa mahigit-kumulang 12 kilo ng shabu na nakasilid sa mga Chinese tea bag na tinata­yang nasa P81,600,000.00 ang halaga nang rikisahin ang mga naiwang ebidensiya na isang Toyota Altis, isang Nissan Navarra, isang kalibre 45 baril at isang KG9 Sub-machine gun at ang P1-M buy-bust money.

Sinaksihan naman ni Brgy. Councilor Dennis Reyes ng Brgy. Lower Bicutan, ­Taguig City ang isinagawang ­markings, pagkuha ng litrato at imbentaryo sa mga nakum­piskang droga at iba pang mga ebidensya sa buy-bust operation.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala na sa PNP Crime Laboratory sa Camp Crame sa Quezon City para maisailalim sa pagsusuri.

vuukle comment

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with