^

Metro

Rehabilitasyon ng Roxas Boulevard, pinasisimulan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Rehabilitasyon ng Roxas Boulevard, pinasisimulan
Nagpatupad na rin ng pagsasara ng bahagi ng Roxas Boulevard na kukumpunihin at pinayuhan ang mga moto­rista na sundin ang itinakdang alternatibong ruta o kaya ay umiwas na lamang na dumaan sa naturang kalsada.
STAR/File

MANILA, Philippines  — Inaprubahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagsasagawa ng konstruksyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa rehabilitasyon ng Roxas Boulevard matapos na makitaan ng malalaking bitak.

Partikular na kukumpunihin ang bahagi ng Remedios Street maging ang drainage system sa Malate na nakapaloob sa kahilingan ni DPWH Engr. Mikunug Macud.

Tatagal ang pagkumpuni mula Mayo 21 hanggang Hunyo 25, 2020 at inaasahan na wala nang ekstensyon na ibibigay sa DPWH para mas maging maayos ang biyahe ng mga delivery trucks patungo sa Port of Manila.

Nagpatupad na rin ng pagsasara ng bahagi ng Roxas Boulevard na kukumpunihin at pinayuhan ang mga moto­rista na sundin ang itinakdang alternatibong ruta o kaya ay umiwas na lamang na dumaan sa naturang kalsada.

Pinulong din ng alkalde ang nasa 57 business lea­ders sa lungsod na hinikayat niyang magsagawa ng COVID testing sa kanilang mga empleyado kapag magbabalik na sila sa operasyon.

Handa naman na tumulong ang Pamahalaang Lungsod sa testing kung hindi kakayaning sagutin ng mga negosyante, pagtitiyak ng alkalde.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with