^

Metro

Biglaang pagtaas ng COVID-19 cases sa Quezon City, pinaiimbestigahan ni Mayor Joy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang biglaang pagtaas sa bilang ng validated coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa lungsod.

Ito ay ginawa ni Belmonte nang ang bilang ng validated cases ng QC Epidemiology and Surveillance Unit (QC-ESU) at district health offices ay tumaas ng 129 noong Huwebes.

“Napansin natin na mula sa average na 10 to 20 additional validated cases per day, bigla tayong pumalo ng mahigit isandaang kaso. Dapat na masilip kung bakit nagkaganito,” pahayag ni Belmonte.

Sinabi naman ni QC-ESU Head Dr. Rolly Cruz na ang pagtaas ng bilang na naitala sa kaso ay mula sa bago at lumang kaso ng COVID- 19.

“Walang dapat ikatakot ang ating mga residente. Lumalabas na kaya tumaas ang bilang dahil may mga pumasok na lumang kaso sa database ng Department of Health (DOH). These cases are as far back as March 18 and iyong May 12 ngayon lang pumasok,” pahayag ni Cruz.

Niliwanag din ni Cruz na ginagawa ng Department of Health (DOH) ang lahat upang maitama ang ulat ng kaso na nilalagay ay QC pero wala namang address.

Noong Huwebes, naiulat ng DOH na ang QC ay may  1,717 confirmed COVID-19 cases pero sa bilang na ito ay may 1,599 ay walang kumpletong address na magpapatunay na ito nga ay taga-QC.

Ayon sa QC-ESU at district health offices na ang QC ay may 1,417 kaso na may 825 active/recovering patients at 446 recoveries.

vuukle comment

COVID-19

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with