^

Metro

20 lugar sa 5 barangay sa Quezon City, isinailalim sa 14-days ‘special concern lockdown’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
20 lugar sa 5 barangay sa Quezon City, isinailalim sa 14-days �special concern lockdown�
Ang 20 lugar ay mula sa limang barangay na isinailalim sa ‘‘special concern lockdown’’ ay ang Brgys. Bahay Toro, Culiat, Sauyo, Batasan Hills, at Tatalon.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Isinailalim ng Quezon City government sa 14 na araw na ‘‘special concern lockdown’’ ang 20 lugar sa limang barangay sa lungsod mula kahapon ng alas-5 ng umaga hanggang sa May 26 dahil sa mataas na bilang ng COVID-19 case.

Ang 20 lugar ay mula sa limang barangay na isinailalim sa ‘‘special concern lockdown’’ ay ang Brgys. Bahay Toro, Culiat, Sauyo, Batasan Hills, at Tatalon.

Ayon kay Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, ang naturang lugar ay inisyal na napili ng City Health Department (CHD) base sa resulta ng community based testing na isinagawa ng CHD Epide-miology and Surveillance Unit (ESU).

“Imbis na mag-total lockdown ng buong barangay, pagtutuunan natin ng pansin ang mga partikular na lugar sa loob ng barangay na may clustering ng mga kaso ng COVID-19, maaaring ito ay isang kalsada, block, o compound, isa rin sa titingnan natin ay ang high-density population na hindi nakaka­pagpractice ng tamang qua-rantine protocols, kung saan malaki ang posibilidad na magkahawaan, kaya kailangan din sila isama sa containment. Mula doon, higit nating paiig­tingin ang community-based testing at pag-quarantine,” pahayag ni Kimpo.

Tiniyak naman ni Kimpo na ang mga nakatira sa na­tu­rang mga barangay ay pag­kakalooban ng ayudang pagkain at iba pang panga-ngailangan ng mga ito.

Kaugnay nito, nanawagan si QC Mayor Joy Belmonte sa mga residenteng nakatira sa mga apektadong lugar na makipagtulungan at makiisa sa mga ipinatutupad na hakbang ng lokal na pamahalaan para labanan ang COVID-19.

vuukle comment

LOCKDOWN

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with