^

Metro

Pagbabalik sa trabaho ng residente ng Maynila, kailangan na - Isko

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagbabalik sa trabaho ng residente ng Maynila, kailangan na - Isko
Ito ang inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno kasabay ng pagsang-ayon niya sa pag­lalagay sa National Capital Region sa ‘‘modified ECQ’’ at payagang makapag-operate ang ilang negosyo.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Kinakailangan na uma­nong bumalik sa trabaho ang mga residente ng Maynila upang masustentuhan ang kani-kanilang pamilya dahil sa hindi naman kaya ng pamahalaan na suplayan ang pangangailangan ng publiko.

Ito ang inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno kasabay ng pagsang-ayon niya sa pag­lalagay sa National Capital Region (NCR) sa ‘‘modified ECQ’’ at payagang makapag-operate ang ilang negosyo.

“It’s a happy development. In our case, we are longing for this that some industries should be open for the simple reason na yung buhay, kabuhayan hindi natin pwedeng paghiwalayin,” ani Domagoso.

Sinabi ng alkalde na hin­di na kayang tugunan ng pa­mahalaan ang panganga­ilangan ng mga pamilya ka­bilang na ang pagbibigay ng tulong-pinansyal at food packs. Sa pamamagitan ng pagbubukas ng ilang industriya ay makatutulong sa problemang ito.

“This is unsustainable. Ang gobyerno tatakbo pag siya ay may pondo at ang pondo ay manggagaling sa mga buwis ng mga taong nagtatrabaho at mga negos­yong kumikita,”paliwanag ni Domagoso.

Makatutulong rin ang pagbabalik sa trabaho sa agam-agam ng mga residente ng Maynila lalo ngayon na labis ang init ng panahon kahit na nasa loob ng bahay ang mga pamilya.

Upang mapawi rin ang pangamba na dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy pa rin naman umano ang agresibong ‘‘contact tracing’’ at ‘‘rapid testing’’ na kanilang ginagawa para matukoy ang mga may-sakit at maihiwalay sa publiko saka gagamutin.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with