^

Metro

Single bus route sa EDSA sa GCQ, ipapatupad

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Single bus route sa EDSA sa GCQ, ipapatupad
Sa plano ng LTFRB, nabatid na mula sa 61 ay magkakaroon na lamang ng iisang ruta para sa mga bus sa Metro Manila habang mula sa 96 na rutang bumibiyahe sa EDSA, ay 29 na lamang ang mabibigyan ng special franchise na eksklusibo lamang para sa iisang ruta.
Miguel de Guzman/File

MANILA, Philippines — Inihayag ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na ipapatupad ang single bus route sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) sa sandaling isailalim na ng pamahalaan ang buong National Capital Region (NCR) sa general community quarantine (GCQ).

Mismong si LTFRB Chairman Martin Delgra ang nagpahayag  sa isinagawang virtual hearing ng House Committee on Transportation na pinamumunan ni Chairman Edgar Mary Sarmiento.

Sa plano ng LTFRB, nabatid na mula sa 61 ay magkakaroon na lamang ng iisang ruta para sa mga bus sa Metro Manila habang mula sa 96 na rutang bumibiyahe sa EDSA, ay 29 na lamang ang mabibigyan ng special franchise na eksklusibo lamang para sa iisang ruta.

Sinabi ni Delgra na ang bagong “rationalized routes” ang ipapalit sa mga lumang ruta.

Aniya, hindi lamang ito gagamitin sa panahon ng GCQ kundi magiging pangmatagalan na.

Sinabi rin ni Delgra na sasamantalahin na nila ang pagkakataon para maipatupad ang mga nais na reporma ng DOTr sa land-based transport system.

Aniya pa, sa ganitong para­an ay mas mapapaikli ang mga ruta at mapapabilis pa ang biyahe ng mga bus at iba pang public utility vehicles (PUVs).

Nabatid na sa ipatutupad na bagong bus route system, tanging ang mga dedicated bus o eksklusibong bumi­byahe sa EDSA lamang ang papayagang makadaan sa naturang pangunahing kalsada.

Samantala, ang iba pa namang bus na dating nakakadaan sa EDSA ay magkakaroon naman na ng hiwalay na mga ruta.

Kaugnay nito, tiniyak na rin naman ng DOTr na handang-handa na sila sakaling tuluyan nang alisin ang ban sa public transportation sa Metro Manila, sakaling tuluyan na ngang alisin ang enhanced community quarantine (ECQ).

Ang ECQ sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay epektibo pa hanggang sa Mayo 15.

 

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with