Olivarez, pabor palawigin ang ECQ sa Meto Manila
MANILA, Philippines — Suportado ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang panawagan ng ilang local government units (LGUs) sa Metro Manila sa Inter-Agency Task Force (IATF) na palawigin pa ang enhanced community quarantine (ECQ) na magtatapos sa Mayo 15, 2020.
“I’m joining other LGUs of Metro Manila to possibly extend the ECQ rather that gamble into downgrading to general community quarantine (GCQ) come May 15,” ani Olivarez, na chairman ng Metro Manila Council (MMC).
Una nang sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na may ilang LGUs ang humihiling sa gobyerno na isailalim pa rin ang kanilang lugar sa ECQ subalit hindi naman ibinunyag kung saan at sinong local executives ang may nais nito, bagama’t tinalakay din ito sa mga naging pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases.
Ani Olivarez, na chairman din ng Regional Peace and Order Council -National Capital Region (RPOC – NCR), na sa assessment ng health authorities sa kasalukuyang takbo ng COVID-19 virus, na nananatiling mapanganib pa ito sa ngayon.
“When ECQ will be lifted, everything is back to normal. There is still a big possibility that there is a lot of COVID-19,” paliwanag ni Olivarez.
Dapat aniyang, isipin ng mga residente ng Metro Manila na umaabot sa P600,000 hanggang P1 milyon ang hospital bill sa COVID-19 patient at mahal din ang cremation.
Ang National Capital Region ay nasa 67 % ng confirmed COVID-19 cases.
Aniya, siya mismo ay magrerekomenda sa IATF na i-extend ang ECQ dahil sentro ng pinakamataas na kaso ang NCR kabilang ang Parañaque.
- Latest