^

Metro

Chinese trader timbog sa P4 milyong halaga ng alcohol, mask

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Chinese trader timbog sa P4 milyong halaga ng alcohol, mask
Isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer ang nagawang makabili ng dalawang galon ng alcohol sa suspek kapalit ng P2,000 marked money.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang negosyanteng Chinese sa isinagawang entrapment operation kung saan nadiskubre rin ang nakaimbak na  P4 milyong halaga ng ethyl alcohol, masks at iba pang medical supplies, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan Police chief P/Col. Dario Menor ang naarestong suspek na si Robin Merenda Siwa, 32, ng Brgy. 78, Caloocan City.

Batay sa ulat, isinagawa ang entrapment operasyon ng mga tauhan ng Caloocan Police Station Investigation and Detective Management Division bandang alas-2:30 ng hapon sa kanyang bahay.

Isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer ang nagawang makabili ng dalawang galon ng alcohol sa suspek kapalit ng P2,000 marked money.

Nang magbigay ng signal ang poseur-buyer na nagka­abutan na ng marked money ay agad sumugod ang back-up na mga operatiba saka dinamba ng mga pulis si Siwa sa apartment nito kasabay ng pagkumpiska sa tinatayang nasa P4 milyon na halaga ng medical supplies.

Lumitaw sa beripikasyon sa Business Permit and Licen-sing Office (BPLO) ng lungsod na walang business permit si Siwa para magbenta ng alcohol at medical products.

Patuloy na iniimbestigahan ang suspek kung saan ini-hahanda na ang kaso laban dito.

vuukle comment

ALCOHOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with