^

Metro

Pampublikong bus prayoridad na mag-operate sa GCQ - LTFRB

Manny Tupas - Pilipino Star Ngayon
Pampublikong bus prayoridad na mag-operate sa GCQ - LTFRB
Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra na ito ang magiging new normal sa Metro Manila at iba pang lugar sakaling ipatupad na ang general community qua­rantine buhat sa enhanced community qua­rantine.
The STAR/Boy Santos, file

Inihayag kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang deployment ng public utility vehicles ay magbabawas ng capacity kung saan ang magiging prayoridad sa pagbiyahe ay ang mga bus.

Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra na ito ang magiging new normal sa Metro Manila at iba pang lugar sakaling ipatupad na ang general community qua­rantine (GCQ) buhat sa enhanced community qua­rantine (ECQ).

Ipinaliwanag pa ni Delgra na hindi pa magiging malaki ang pangangailangan sa transportasyon dahil na rin sa COVID-19 pandemic. Marami pa rin umano ang ayaw na lumabas ng bahay sa takot na mahawahan ng sakit.

At dahil na rin sa papayagan lamang ang mga pampublikiong sasakyan na mag-operate sa half capacity para masunod ang social distancing measures, ang mga bus ang siyang naangkop dito dahil sa malaking espasyo kaya sila ang bibigyang prayoridad sa pagbabalik operasyon..

“Inuna ‘yung mga bus bago ibaba sa modern jeepney”, dagdag pa nito.

Isusunod umano rito ang regular jeepneys at mga van depende sa pangangailangan.

Kailangan din umano na kumuha ng special permit buhat sa LTFRB ang mga operator bago sila makapag-operate kung saan kailangan nilang maipatupad ang mahigpit na regulasyon para na rin sa kaligtasan at kapakanan ng kanilang mga pasahero.

Maaaring mag-apply ang mga operator sa kanilang online fast-track para sa pagpo-proseso ng kanilang permits.

vuukle comment

BUS

GCQ

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with