^

Metro

Nagpanggap na militar huli sa alak, baril at bala sa checkpoint

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Nagpanggap na militar huli sa alak, baril at bala sa checkpoint
Si Brando Busca (kaliwa) na nagpakilalang militar kung saan nahulihan sa checkpoint sa Payatas , Quezon City ng may 27 bote ng alak at baril. Ipinakikita naman ni Lt. Col. Romulus Gadaoni ang nasamsam na mga alak sa suspect.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Isang negosyante na nagpakilalang militar ang inaresto dahil sa pagdadala nito ng 27 bote ng alak, baril at bala, sa isang quarantine checkpoint sa Brgy. Payatas sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek na si Brando Busca, 39, ng Kapalaran St., Litex Road, Brgy. Commonwealth, Que­zon City.

Ayon kay P/Lt. Renato Florentino, dakong alas-3:25 ng madaling araw habang sila ay nagmamando sa checkpoint noong harangin nila ang sasakyan ng suspek na kulay puting Nissan pick-up para isailalim sa thermal scanning.

Sa isinagawang inspeksyon, nakita sa loob ng sasakyan ang 27 bote ng alak. Nakita rin sa sasakyan ng suspek ang isang 9MM na baril, dalawang magazine na may 15 mga bala.

May dala ring P12,600 cash ang suspek at iba’t-ibang ID card at firearms license.

Agad na dinala sa Station 6 ng QCPD ang naturang suspek at isinasailalim sa masusing imbestigasyon.

vuukle comment

ALAK

BARIL

BRANDO BUSCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with