^

Metro

Magbiyenan, patay sa pamamaril

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kapwa binawian ng buhay ang isang mister at kanyang biyenan nang pagbabarilin ng hindi kilalang salarin sa kanilang tahanan sa Brgy. Commonwealth, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa pagamutan ang mga biktimang sina Mel Banzuelo, 40, at kanyang biyenan na si Jelita Jaquin, 63, kapwa residente ng naturang lugar, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, nakatakas naman ang ‘di kilalang salarin, bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District Station 6, dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa Bicoleyte St., sa naturang barangay.

Nauna rito, naglalakad sa eskinita si Banzuelo nang pagbabarilin siya ng hindi pa nakikilalang salarin.

Sinasabing nakita pa mismo ng anak ni Banzuelo ang pamamaril at sinubukan pang awatin ang gunman.

Sinamantala naman ito ni Banzuelo at nagtatakbo papasok ng kanilang bahay ngunit patuloy pa din siyang pinaputukan ng suspek, na nagresulta upang tamaan din ng bala si Jaquin.

Kasalukuyan nang pinaghahanap ng mga awtoridad ang gunman, gayundin ang dalawang kasamahan nito na nagsilbing lookout sa insidente, habang patuloy pa rin ang imbestigasyon nila hinggil sa motibo sa krimen.

Inaalam na rin ng mga awtoridad kung papaano nakalusot ang mga suspek dahil may mga nagbabantay umano na mga barangay officials sa mga quarantine checkpoints sa lugar.

vuukle comment

BANZUELO N

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with