^

Metro

Bogus online seller ng face mask, timbog

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Bogus online seller ng face mask, timbog
Nakatakda na sanang i-withdraw ni Mervyne Grace Dela Cruz, 22, ang ikalawang bayad ng biktimang si Dianne Marie Dayta, 28, store owner, dakong alas-2:30 ng hapon nang damputin ng mga opisyal ng Brgy. 185.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Arestado ang isang  babae  na nagpanggap na online seller ng surgical masks matapos lokohin ang dalawang magkapitbahay, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Nakatakda na sanang i-withdraw ni Mervyne Grace Dela Cruz, 22,  ang ikalawang bayad ng biktimang si Dianne Marie Dayta, 28, store owner,  dakong alas-2:30 ng hapon nang damputin ng mga opisyal ng Brgy. 185.

Ayon sa pulisya, nag-post ang suspek sa kanyang Facebook account na nagbebenta siya ng surgical masks at isang lehitimong online seller.

Dala ng desperasyon dahil wala nang makitang masks sa gitna ng banta ng COVID-19, umorder si Dayta kay Dela Cruz ng 10 kahon ng nasabing protective gear at ipinarating ang bayad na P1,200 sa pamamagitan ng Smart Padala.

Gayunpaman, walang dumating na delivery ng masks hanggang sa malaman ni Dayta sa kapitbahay na nakilala lang sa pangalang Javier na umorder din ito ng mask at wala ring nai-deliver, kaya’t humingi sila ng tulong sa mga opisyal ng barangay nang matunton nila kung saan kinuha ng suspek ang kanilang unang bayad.

Nang ipadala na ang ikalawang bayad, tinangka ng suspek na kubrahin ito at walang kamalay-malay na inaabangan na siya ng mga opisyal ng barangay sa nasabing lugar at wala nang nagawa nang siya ay damputin.

Binitbit ng mga opisyal ng barangay ang suspek sa Caloocan Police North Extension Office (NEO) para sa wastong disposisyon, at nakatakdang isailalim sa inquest proceedings dahil sa paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code o estafa through swindling in relation to RA 11469 o Bayanihan to Heal As One Act sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

FACE MASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with