^

Metro

Barangay chairman, mga kagawad sumuko

Doris Franche, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Barangay chairman, mga kagawad sumuko
Nasa kustodiya na ng MPD ang mga suspek na kinilala bilang sina Chairman Brix John Rolly Reyes at mga kagawad na sina Alfie Lacson, Romualdo Reyes at John Cris Domingo.
STAR/ File

Pasimuno ng tupada sa sementeryo

MANILA, Philippines  — Tuluyan nang sumuko  ang isang barangay chairman at ilang mga kagawad nito sa Manila Police District (MPD) kamakalawa ng gabi para kaharapin ang patung-patong na kaso kaugnay ng akusasyon na pagiging pasimuno nila umano sa patupada sa loob ng Manila North Cemetery nitong nakaraang Biyernes Santo.

Nasa kustodiya na ng MPD ang mga suspek na kinilala bilang sina Chairman Brix John Rolly Reyes at mga kagawad na sina Alfie Lacson, Romualdo Reyes at John Cris Domingo.

Nabatid na unang sumuko kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang kaniyang mga barangay officials saka ipinasa ng Caloocan City Police sa MPD para panagutan ang mga ginawa.

Matatandaan na nakunan ng video ang naganap na tupada sa loob ng sementeryo noong nakaraang Biyernes at natukoy ang mga opisyal nang mahagip ng video footage.

Nagpasalamat naman si Manila Mayor Francisco “Isko” Domagoso kay Malapitan sa agarang aksyon at hindi pagkunsinti sa mga opisyal.

“Sa tulong at mabuting kalooban ni Mayor Oscar Mala­pitan ng Caloocan City at kay Chief of Police Colonel Dario Menor ng Caloocan Police Station, ngayong gabing ito ay tumugon na sa panawagan ang mga barangay official na naririto,” ayon kay Domagoso kamakalawa ng gabi.

Maaaring humarap sa patong-patong na kaso ang mga suspek kabilang ang paglabag sa Presidential 1602 (Illegal Cockfighting), Republic 11469 (Bayanihan to Heal as One Act) at Republic Act 11332 (Mandatory Repor­ting of Notifiable Diseases and Health Event of Public Health Concern Act).

Tiniyak ni Malapitan na kakasuhan sina Reyes at mga kasama nito na nagpasimuno ng tupada sa North Cemetery.

Ayon kay Malapitan,  kakasuhan ng administratibo at agarang papatawan ng preventive suspension ang mga nasangkot na Barangay Officials.

Ani, Malapitan hindi niya palalagpasin ang pagkakasala ng sinumang  mga opisyal na napatunayang lumabag sa batas lalong lalo na kung siya ay may sinumpaang tungkulin.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with