^

Metro

P30 bilyong financial aid sa LGUs, ipinalabas ng Palasyo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P30 bilyong financial aid sa LGUs, ipinalabas ng Palasyo
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang ginawang paglalabas ng Office of the President sa P30.824-bilyong “Bayanihan Grant” sa mga lungsod at munisipalidad ay higit pang magpapalakas sa kakayahan sa pagtugon sa pangangailangan ng kanilang mga constituents ngayong nahaharap ang bansa sa krisis dulot ng pananalasa ng coronavirus disease 2019 .
STAR/Michael Varcas/File

Pagtugon laban sa COVID-19

MANILA, Philippines  — Nanawagan ang pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng opisyal ng Local Government Units (LGUs) na palakasin pa ang ‘Bayanihan’ sa kani-kanilang nasasakupan.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang ginawang paglalabas ng Office of the President sa P30.824-bilyong “Bayanihan Grant” sa mga lungsod at munisipalidad ay higit pang magpapalakas sa kakayahan sa pagtugon sa pangangailangan ng kanilang mga constituents ngayong nahaharap ang bansa sa krisis dulot ng pananalasa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Año, ang one-time grant sa mga lungsod at munisipalidad ay katumbas ng isang buwan ng kanilang Internal Revenue Allotment (IRA) at maaari nilang magamit para sa kanilang isinasagawang COVID-19 response at relief efforts.

“Nauunawaan ng national government ang malaking hamon na hinaharap ng local government units (LGUs) sa pagtugon sa pangangailangan ng kanilang mga constituents sa gitna ng COVID-19 crisis. Sa pamamagitan ng Ba­yanihan Grant to Cities and Municipalities, magkakaroon na ng karagdagang kapasidad ang ating mga LGUs na bumili ng mga kagamitan at tulungan ang mga taong lubos na apektado ng krisis na ito,” ani Año.

Pinasalamatan din ng kalihim ang Pangulo dahil sa agaran nitong pag-apruba sa kahilingan ng mga LGUs at kinilala ang tulong ni Senator Bong Go na siyang unang nagpanukala nito, sa ngalan ng lahat ng LGUs, na siyang nasa frontlines ng giyera ng bansa laban sa COVID-19.

Nilinaw naman ng DILG Secretary na ang pondo ay dapat lamang gamitin para sa mga programa, proyekto, at aktibidad na may kinalaman sa COVID-19 gaya ng relief goods para sa low-income at vulnerable households; pagbili ng mga personal protective equipment (PPE) para sa frontline service providers, mga gamot at bitamina, hospital equipment at supplies; disinfectants at mga related equipments, at mga tents para pansamantalang matuluyan ng mga walang tahanan at iba pa.

Hinikayat din naman niya ang mga lungsod at munisipalidad na tiyaking ang Ba­yanihan Grant ay magagamit ng matalino at maayos para sa kapakinabangan ng kanilang mga nasasakupan.

“Naniniwala ako na mas alam at ramdam ninyo ang pangangailangan sa inyong sinasakupan kaya siguruhin po sana natin na gagamitin natin ng maayos ang pondong ito para sa kapakanan ng ­ating mga kababayan,” dagdag pa ni Año.

Ani Año, ang Bayanihan Grant ay kukunin mula sa hindi naipagpatuloy na proyekto ng ilang ahensiya ng pamahalaan sa ilalim ng Republic Act 11465 o FY 2020 General Appropriations Act.

Sa isang Memorandum kay Department of Budget and Management Secretary Wendel E. Avisado, ipinabatid ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa DBM ang pag-apruba ng pangulo sa Bayanihan grant at ipinag-utos ang agarang paglalabas ng naturang pondo sa mga lungsod at munisipalidad.

vuukle comment

EDUARDO ANO

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with