NBI bubusisiin ang mga iregularidad ng LGUs
Habang may quarantine
MANILA, Philippines — Tutugon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng imbestigasyon sa anumang ulat ng iregulari-dad sa mga lokal na pamahalaan habang nagpapatupad ng mga aksyon at programa na may kaugnayan sa ‘enhanced community quarantine’ (ECQ).
“Director Eric B. Distor has already ordered all regional and district offices and all Manila operating divisions to conduct investigations on this in coordination with LGUs and other counterparts,” ayon kay NBI Spokesperson Ferdinand Lavin.
Ito ay makaraang magbabala si Pangulong Duterte sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na magtatangkang gumawa ng anomalya sa halip na tapat na hatiran ng tulong ang mga nasasakupan.
Kabilang dito ang mga lokal na opisyal na masasangkot sa paglustay ng pondo, hoarding, pag-divert sa pera sa para sa paglaban sa coronavirus (COVID-19) sa ibang bagay at hindi pagtugon sa pangangailangan ng mga nasasakupan.
Sinabi ni Lavin na maaa-ring magsagawa sila ng imbestigasyon kahit na walang reklamo kung ipag-uutos sa kanila ng mga nakakataas.
“The NBI is investigating and filing charges against local government officials who willfully disregard, contravene, or violate national guidelines on community quarantine set by the IATF-EID (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases),” pahayag ni Duterte sa kanyang huling ulat kaugnay sa COVID-19.
- Latest