^

Metro

Hotel gagamitin para sa mga PUIs sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pangangasiwaan ng Quezon City government na parang  ospital ang isang hotel sa lungsod na sinimulang gamitin kahapon para sa mga person under investigation (PUIs) kaugnay ng COVID-19.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte,  ang mga health workers tulad ng mga doctor at nurse ang itatalaga sa hotel para  manga­ngalaga sa mga PUIs ng QC.

Sinabi ni Belmonte na minabuting ilagay sa hotel with zero guest ang mga PUIs dahil sa masikip na at hindi na kaya ng ibang pagamutan na pangalagaan ang mga ito.

Kaugnay nito, sinabi ni Dr. Rolly Cruz, head Epidemiology Department ng QC na mas mainam na dito mailagay ang mga PUIs dahil hindi pa naman sila nakukumpirmang positive sa COVID at upang hindi mahawa  sa mga pagamutan na mga COVID-19 patients na.

Anya, isang pasyente  sa bawat kuwarto ng hotel  na may 49 rooms. Ang mga kuwarto ay may sariling CR, maayos na kama, may aircon at libre silang mamamalagi doont.

Binanggit din ni Belmonte na anumang araw ay sisimulan na ring tirahan ng mga health workers ang isa pang hotel sa QC  upang mabilis ang mga itong makatutugon sa health needs ng mga pasyente.

vuukle comment

HOTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with