^

Metro

546 hotels at motels sa Maynila, ipagagamit sa health workers

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumugon ang mga administrasyon ng mga hotel at motel sa panawagan ni Manila Mayor Isko Moreno na magpagamit ang kanilang mga kuwarto sa mga health workers ng lungsod upang hindi na kailangang umuwi sa malalayong bahay at mabilis na makaresponde sa krisis na kinakaharap kaugnay ng corona virus.

Unang naglabas si Moreno ng Executive Order 17 na nanawagan sa mga hotel at motel sa lungsod na maglaan ng staging area para sa mga health workers ng anim na pagamutan ng lungsod. Ito ay makaraang suspindihin ang lahat ng uri ng pampublikong transportasyon sa Luzon sa ilalim ng ‘enhanced community quarantine’.

Agad naman ditong tumugon ang ilang hotels at motels na naglaan ng inisyal na 546 na mga kuwarto na matutuluyan ng mga health workers ng Maynila.

Pinakamarami dito ang Hotel Sogo na nangako ng 421 mga kuwarto, 50 kuwarto mula sa Eurotel, at 60 kuwarto sa Town and Country.  Lahat ng ito ay libre.

Nagpahabol naman ang Bayview Park Hotel Manage­ment ng 15 libreng kuwarto para sa mga health workers.

Pinasalamatan ni Moreno ang pamunuan ng naturang mga hotel sa agarang pagtugon sa kaniyang panawagan upang mas mabilisang makaresponde ang mga health workers sa kanilang tungkulin sa paglaban sa COVID-19.

vuukle comment

HEALTH WORKERS

HOTELS

ISKO MORENO

YORME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with