^

Metro

Angkas sa motorsiklo bawal muna – DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Angkas sa motorsiklo bawal muna � DOTr
Ayon kay DOTr Undersecretary Artemio Tuazon, ang pagba-ban ay bahagi ng kanilang guidelines para sa social distancing.
The STAR/Edd Gumban, file

Pribado man o public transportation

MANILA, Philippines — Pansamantalang sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang pag-aangkas sa motorsiklo pribado man o public transportation  kaugnay na rin sa pagsisikap  ng pamahalaan na mapigilan ang tuluyang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (CO­VID-19) sa bansa. 

Ayon kay DOTr Undersecretary Artemio Tuazon, ang pagba-ban ay bahagi ng kanilang guidelines para sa social distancing.

“Hindi puwede ‘yung may backride sa motorsiklo. Isang tao lang po ang puwedeng sumakay sa motorsiklo”, pahayag pa nito.

Paliwanag ni Tuazon, hindi muna pinapayagan ang pag-aangkas sa mga motorsiklo dahil madidikit ang angkas sa rider nito at magiging madali ang paglipat ng virus.

Nitong Sabado, una na rin namang naglabas ng magkahiwalay na pahayag ang motorcycle-hailing firms na Angkas at JoyRide, na nag-aanunsiyo ng suspensiyon ng kanilang passenger services sa Metro Manila simula nitong Linggo, Marso 15, kasabay ng pag-iral ng community quarantine.

Sa sandali naman umanong matiyak na ligtas na ang Metro Manila mula sa virus ay ipagpapatuloy na rin nilang muli ang kanilang passenger services.

Una nang nilimitahan ng DOTr ang bilang ng mga pasaherong maaaring sumakay sa taxi hanggang sa tatlo lamang, habang ang mga UV Express vans at public jeepneys ay inatasan na kalahati lamang ng kanilang mga pasahero ang isakay. 

Ang mga bagon naman ng tren ay dapat na magsakay lamang ng 25% ng kanilang passenger capacity.  Dapat din umanong nakaupo ang lahat ng pasahero nito.

vuukle comment

ANGKAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with