State of calamity, idineklara sa Quezon City
MANILA, Philippines — Idineklara ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang State of calamity sa lungsod dahil na rin sa banta ng COVID-19.
Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Belmonte matapos na ianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila sa ilalim ng community quarantine.
“First and foremost because the President has himself has declared a state of public health emergency here in the Philippines so this gives us now a basis to declare a state of calamity here in our city,” pahayag ni Belmonte.
Anya, makalipas ang 19 na taon ay muling naideklara ang State of Calamity sa lungsod.
Ito ay batay sa ginawang pagpasa ng QC Council sa rekomendasyon ng QC Disaster Risk Reduction Council.
Dahil sa deklarasyon, magagamit na ng city government nang mabilisan ang pondo ng lokal na pamahalaan para dito.
Binigyang diin ni Belmonte na mahalaga ang deklarasyon upang higit na magtulungan ang lokal na pamahalaan at ang may 142 barangay sa pagtugon sa anumang hakbang tulad ng disinfection ng barangays, monitoring ng mga persons under monitoring (PUMs) at persons under investigation (PUIs), at paglalagay ng isolation rooms at iba pa.
- Latest