^

Metro

Klase sa Maynila, Caloocan at Pasay suspendido pa rin

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Klase sa Maynila, Caloocan at Pasay suspendido pa rin
Isa-isang isinailalim sa thermal scanner ang mga empleyado at mga bisita sa Manila City Hall na bahagi ng precautionary measures upang mapigilan ang pagkahawa ng COVID-19.
Kuha ni KJ Rosales

MANILA, Philippines — Idineklara ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang linggong suspensyon sa mga klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Maynila kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga dinadapuan ng  coronavirus (COVID-19) sa bansa.

Epektibo ang kanselasyon ng klase sa lahat ng lebel mula Pre-School hanggang kolehiyo  umpisa Marso 9 hanggang Marso 15.

Sinabi ng alkalde na ang kanselasyon ng klase ay base sa panuntunan na inilabas ng Department of Health (DOH) na binibigyan na ng awtoridad o diskresyon ang mga lokal na pamahalaan sa kanselasyon ng klase sa mga nasasakupan.

Habang nasa suspensyon ang klase, binilinan ni Moreno ang mga administrador at prinsipal ng mga paaralan na samantalahin ito para i-disinfect ang kanilang mga silid-aralan at gusali upang mas makatiyak sa kaligtasan ng kalusugan ng mga estudyante.

Pinagsabihan din niya ang mga mag-aaral na kahit na nasa kanilang mga bahay ay dapat na magpatuloy ng komunikasyon sa mga guro sa kanilang mga aralin at gawin na ang mga asignatura.

Samantala sa Caloocan City sinuspinde rin si Mayor Oscar Malapitan ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas ngayon at bukas sa pribado at pampublikong mga paaralan  dahil sa banta ng coronavirus (COVID-19).

Ang suspension order ay inisyu para sa dalawang araw na pangkalahatang kalinisan at pagdidisimpekta ng kanilang mga kampus at maglagay ng mga pag-iingat na hakbang sa lugar laban sa pagkalat ng virus.

Tiniyak din ni Mayor Oca na ginagawa ng pamahalaang lungsod ang lahat ng kinakailangang hakbang sa pag-iingat upang matiyak na hindi kumalat ang naturang sakit sa lungsod.

Sa Pasay City, nagsagawa kahapon ng inspeksiyon at disinfection ang Pasay City Government sa ilang pampublikong paaralan sa lungsod bilang hakbang laban sa Coronavirus 19 (COVID-19) threat.

Personal na pinangunahan ni Mayor Imelda “Emi” Rubiano-Calixto ang aktibidad sa City University of Pasay at iba pang paaralan sa lungsod.

Pinulong din kahapon ni Mayor Emi ang lahat ng school superintendent at public school principals na idinaos sa Padre Zamora Elementary School at lahat ay makakatanggap ng mga sprayers at organic  disinfectants.

 Isasagawa ang dalawang araw na “Germ X disinfectant spray operations” habang nakadeklara pang walang pasok din ng dalawang araw para sa disinfection. Doris Franche, Ludy Bermudo

vuukle comment

CLASS SUSPENSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with