Quick Response Teams,Ops Center itinatag ng NCRPO vs virus
MANILA, Philippines — Nagtatag ang Metro Manila police force ng Quick Response Team (QRT) at operations center para tumulong na malabanan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na nagsagawa na sila ng mga lecture sa quick response teams sa limang police districts para mapigilan ang pagkalat ng nasabing disease ayon kay NCRPO chief, Maj. Gen. Debold Sinas ang QRTs ay magsasagawa ng crash courses sa susunod na linggo sa police personnel buhat sa Regional HQs at sa limang police district para maglekyur sa proper hygiene, transmission at prevention laban sa COVID-19.
“Kailangang maarmasan natin ang ating sarili ng kaalaman sa prevention tips para mapigilan ang pagkalat ng disease at maprotektahan ang ating sarili at mailigtas ang iba pa”, dagdag ni Sinas.
Mahigpit din ang kanilang koordinasyon sa DOH at iba pang ahensya sa ganitong mga sitwasyon kasunod nga na dalawang indibiduwal na sa Metro Manila ang nakumpirmang positibo sa virus.
Nakatakda rin silang mag-isyu ng guidelines sa workplace prevention at control para malabanan ang pagkalat ng disease.
- Latest